𝗟𝗔𝗕𝗜 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗡𝗗𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗠𝗕𝗨𝗦𝗛, 𝗡𝗔𝗜𝗨𝗪𝗜 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Naihatid na sa piling ng pamilya ng nasawing sundalo ang kanyang mga labi sa bayan ng Enrile, Cagayan.

Magugunita na nasawi ang bayaning sundalo na si Private Rosendo Gannaban, isang Star trooper mula sa 99th Infantry “Makabayan” Battalion (99IB), matapos na pagbabarilin ang mga ito ng hindi pa matukoy na bilang ng mga local CTG habang nagsasagawa ang mga ito ng checkpoint sa Datu Salibo, Maguindanao del Sur noong Hulyo 21, 2024.

Sa isang panayam, sinabi ni Major Rigor Pamittan, Chief ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division Philippine, Army, na mag-iisang taon pa lamang si Gannaban sa serbisyo sa darating na buwan ng Setyembre.


Samantala, personal naman na nagtungo sa Maguindanao Sur si MGen Gulliver L. Señires, Commander ng 5th Infantry Division upang bumisita sa tropa ng militar sa lugar gayundin upang maiuwi sa Cagayan ang mga labi ni Gannaban.

Nangako naman ang pamunuan ng 5ID na maliban sa naunang cash assistance na iginawad sa naulilang pamilya ay kanilang titiyakin na makukuha ng mga ito ang angkop na benepisyo at tulong.

Facebook Comments