Mahigpit ang isinasagawang monitoring ngayon ng Calasiao Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa labing isang barangay na posibleng makaranas ng pagbaha dahil sa maaring epekto ng Bagyong Pepito.
Ito ay ang Barangay ng Lasip, Lumbang, Mancup, Gabon, Poblacion West, Buenlag, Talibaew, Longos, Nalsian, Poblacion East at Banaoang.
Sa bahaing barangay ng Lasip, naghahanda na ang mga residente roon kung saan itinaas na ang ilang kagamitan upang hindi abutin ng baha.
Ang barangay kasi ay madalas bahain kung umapaw na ang Marusay River.
Siniguro ng Calasiao MDRRMO na handa ito sa posibilidad ng anomang sakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments