
Cauayan City – Isang lalaki ang nasakote matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa loob ng isang feed plant sa Barangay Soyung, Echague, Isabela noong January 09, 2026.
Kinilala ang suspek na si alyas “Lito,” 40 anyos, drayber at residente ng Barangay Muñoz, Roxas, Isabela.
Ayon sa ulat, ang insidente ay nadiskubre sa isinagawang body search at inspeksyon sa guard post ng pasilidad.
Agad itong iniulat ng security personnel sa Echague Municipal Police Station matapos makita ang ilegal na droga sa kanyang pag-iingat.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang plastic sachet na may hinihinalang shabu, lighter, at dalawang piraso ng rolled foil. Isinagawa naman ang imbentaryo ng ebidensya sa presensya ng barangay opisyal at kinatawan ng DOJ.
Matapos ang pagkakaaresto, dinala ang suspek sa Echague MPS at isinailalim sa drug testing at laboratory examination.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165.
Source: PNP ISABELA
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










