
Β
βCauayan City – Nadakip ng mga awtoridad abg isang lalaki na si alyas “Mario” matapos umanong mahuling nagpuputol ng kahoy nang walang kaukulang pahintulot sa Brgy. Lurad, Diadi.
Β
βAyon sa ulat ng Diadi Police Station, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concernes citizen hinggil sa ilegal na aktibidad sa kabundukan.
Β
βAgad na rumesponde ang mga pulis, kasama ang mga tauhan ng 2nd Maneuver Platoon ng 1st Nueva Vizcaya Police Mobile Force Company.
Β
βNagtungo sa lugar ang kapulisan at narinig ang ingay ng chainsaw at namataan ang dalawang lalaki na aktibong namumutol ng kahoy, subalit nakatakas ang isa sa mga suspek.
Β
βNabigo si “Mario” na magpakita ng permit sa paggamit ng chainsaw at pahintulot sa pagputol ng kahoy kaya siya ay inaresto at ipinaalam ang kanyang mga karapatan.
Β
βSa kasalukuyan, si Mario ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines at RA 9175 o Chainsaw Act of 2002.
Β
βSource: DIADI MPS
photo: For Illustration only
————————————–
Β
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Β
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan
Facebook Comments










