𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗥𝗔𝗣𝗘

CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng tinaguriang top 4 most wanted person matapos maaresto ng mga otoridad sa Pidigan, Abra.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jom”, nasa wastong edad, at residente ng nasabing probinsya.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong ika-5 ng Disyembre Family Court, Bangued, Abra sa dalawang bilang ng kasong statutory rape kung saan walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala ang suspek sa himpilan ng PNP Abra para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Samantala, ang matagumpay na pagkakadakip sa suspek ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng kapulisan ng Abra.

Facebook Comments