Wednesday, April 8, 2026

𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗝𝗨𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Cauayan City – Nakorner ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos na positibong makapagbenta ng hinihinalang marijuana sa awtoridad kahapon, ika-7 ng Abril sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.

Sa ikinasang operasyon ng PDEA katuwang ang Cauayan City Police Station, at iba pang unit ng kapulisan, naaresto ang suspek na si alyas “Leo”, 26-anyos, residente ng nabanggit na barangay.

Nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang buy-bust item na isang bloke ng hinihinalang marijuana na may bigat na 1kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P120,000, at ang buy-bust money na binubuo ng isang tunay na 1000 peso bill at 19 na piraso ng pekeng 1000 peso bill.

Matapos ang operasyon, dinala sa himpilan ng Cauayan City Police Station ang nakumpiskang mga ebidensya para sa dokumentasyon maging ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments