𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗡𝗔𝗔𝗞𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗕𝗟𝗜𝗦𝗬𝗜𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗕𝗜𝗭𝗧𝗢𝗡𝗗𝗢

Huli sa akto ang pagnanakaw ng isang lalaki sa isang bentahan ng Motor Parts and Accessories sa bayan ng Urbiztondo.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nahuli umano ng may-ari ang pagnanakaw ng suspek sa loob mismo ng kanyang shop at tinangay ang cellular phone, mga gulong, motor oil, at spray paint.

Nang matunugan ang presensya ng may-ari, agad na tumakas ang suspek lulan ng tricycle at bitbit ang mga ninakaw.

Agad naman naireport sa pulisya ang pagnanakaw na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek.

Nakumpiska sa suspek ang kalibre trenta’y otso na revolver, walong piraso ng bala kasama ang mga ninakaw na may kabuuang higit kumulang sampung libong pisong halaga.

Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments