𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗡𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦

Isang lalaki ang nalunod sa ilog ng barangay guelew, San Carlos City.

Nakilala ang biktima na si Romnick Vilda.

Ayon sa salaysay ng kaanak ng biktima,nagkayayaan ang biktima kasama ang wala pang sakay ng bangka na manghuli ng isda sa ilog. Pagdating sa malalim na parte ng ilog bigla na lamang tumaob ang bangkang sinasakyan ng mga ito. Nakaligtas ang walong sakay ng bangka samantala hindi nakaahon ang biktima matapos lumubog ang sinasakyang bangka.

Napag-alaman na hanggang apat na katao lamang ang kapasidad ng bangka.

Aminado ang pamilya ng biktima na hindi marunong lumangoy ang nawawalang kaanak. Kasalukuyang isinasagawa ang search and retrieval operation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments