𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗞𝗢𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaking tulak ng iligal na droga matapos ang ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. Quirino, Cordon, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ramon”, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing lalawigan.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang dalawang (2) selyadong pakete ng hinihinalang shabu, buy-bust money, isang (1) maliit na pitaka, dalawang (2) susi ng motorsiklo, at isang (1) motorsiklo.


Dinala ang suspek sa himpilan ng Cordon Police Station para sa sa karagdagang imbestigasyon at kaukulang dokumentasyon.

Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments