𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗡𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗔𝗡𝗚 𝟭𝟴𝟬 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗢 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗟𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢

Aabot sa 180 na sako ng semento ang tinangay ng isang foreman matapos itong sisantehin sa kanyang pinagtatrabahuan sa Brgy. Tagudin, Mabini, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na isang 39 anyos na lalaki mula sa Sorsogon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tinanggal sa trabaho ang suspek dahil hindi umano ito sumusunod sa utos ng kaniyang nakakaranas na kasamahan sa trabaho.

Matapos sibakin, unti-unti nitong tinangay ang mga semento na isinakay sa garong.

Nakita pa ng kaniyang mga kasamahan ang pagnanakaw ng suspek ngunit hindi nila ito mapigilan matapos Silang pagbantaan.

Tinatayang P54, 000 ang kabuuang halaga ng tinangay na semento.

Nagpapatuloy ang pagtugis sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments