
Cauayan City – Hindi nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaki matapos na masangkot sa aksidente sa kahabaan ng Maharlika Highway sa bahagi ng Brgy. Victoria, Alicia, Isabela kahapon, ika-8 ng Pebrero.
Ang nasawing biktima ay kinilala sa pangalang “Den”, 20-anyos, residente ng Brgy. Malibago, Echague, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Alicia Police Station, sakay ng biktimang si “Den” ang isang single motorcycle angkas ang kasama nitong si “Josh”.
Lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan na binabaybay ni “Den” ang outerlane patungo sa direksyon ng bayan ng Echague, at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, nasalpok ni “Den” ang isang tricycle na minamaneho ni “MJ”, 44-anyos, residente ng bayan ng Alicia.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng injury sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan si “Den” at ang angkas nito, ganundin si “MJ” at ang pasahero nitong si “Mer” dahilan upang agad silang isugod sa pagamutan.
Gayunpaman, dahil sa malalang injury na tinamo ni “Den” idineklara itong Dead-on-Arrival ng doktor na sumuri sa kanya.
Samantala, base sa nakuhang CCTV Footage ng kapulisan, mabilis ang pagmamaneho ni Den sa kanyang motor dahilan upang matumba ito sa kalsada at sumadsad ng tinatayang nasa 20 metro bago tuluyang sumalpok sa tricycle.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









