𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗭𝗢𝗥𝗥𝗨𝗕𝗜𝗢

Dead on arrival ang 34 anyos na residente ng Brgy. Poblacion, Pozorrubio matapos malunod sa malalim na bahagi ng Manaol River.

Kinilala ang biktima na si Benjamin Ymana Jr. Kasama pa ng biktima ang kapatid nito na tumalon at maligo sa nasabing ilog. Nakainom ng alak umano ang mga ito nang mangyari ang insidente.

Lumubog at sinubukang umahon pa ang biktima na siyang nagtulak sa kapatid nitong sumaklolo sa barangay. Ilang minuto pa matapos ang search and retrieval ay nakuha ang katawan nito sa malalim na bahagi ng ilog.

Itinakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit binawian na ito ng buhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments