𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗦𝗪𝗜𝗠𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗢𝗔𝗖

Nalunod ang isang 39 anyos na lalake sa isang resort sa Barangay Lebueg, Laoac, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakita umano ng empleyado ng resort na nagtungo ang biktima sa 5ft na swimming pool at naligo nang mag-isa.

Alas singko trenta ng hapon ng parehong araw, natagpuan ng pinsan ang biktima sa ilalim ng pool na pinagliguan nito.

Itinakbo pa sa ospital ang biktima ngunit Idineklarang dead on arrival.

Napag-alaman sa imbestigasyon na nakainom ang biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments