Patay ang lalaki matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang poste sa Barangay Landas, Mangaldan, Pangasinan.
Ang biktima ay bente dos anyos at residente sa bayan.
Ayon sa isang saksi, binabagtas umano ng biktima ang kakalsadahan nang aksidente nitong mabangga ang isang poste na nasa tabi ng kalsada pasado alas otso ng gabi.
Nagtamo ng malalang sugat sa katawan ang rider na dahilan ng kaniyang pagkamatay.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments