𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗗𝗨𝗟𝗘 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗔𝗟𝗬𝗦𝗜𝗦, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗪𝗜𝗗 𝗡𝗔 𝗔𝗦𝗢

Patay ang isang 51 anyos na lalaki matapos mawalan ng control sa minamanehong motorsiklo dahil umano sa nabanggang aso sa Barangay Doyong Calasiao, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, pupunta sana sa Pangasinan Provincial Hospital ang biktima na kinilalang si Alfredo Sarmiento, residente ng Barangay San Miguel, upang magpa schedule ng kaniyang dialysis ngunit sa kasamaang palad ay nasawi.

Natumba ang sinasakyang motorsiklo ng biktima at tumama ang kaniyang ulo sa semento dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.

Walang suot na helmet ang biktima nang mangyari ang aksidente.

Walang mapanagot sa insidente matapos masawi ang aso at hindi malaman kung sino ang nagmamay-ari nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments