𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗢𝗔𝗖

Patong – patong na kasong pagnanakaw na ngayon ang kinakaharap ng isang trentay uno anyos na lalaki matapos maaktuhang nagnanakaw sa isang bahay sa bayan ng Laoac.
Ang suspek ay nakilalang si Edgar Rayray residente ng nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, nakita ang suspek na pumasok sa bahay ng isang mag anak sa kanilang lugar at ipinupuslit ang mga gamit ng mga ito.

Nang napansin nito na nakita siya at sinubukan umano nitong magtago sa isang sewage canal subalit nakita ito at narecover ang isang unit ng Aircon at ilang gamit na ninakaw nito.
Nahaharap na ngayon sa kasong robbery ang suspect at napag alaman pa sa imbestigasyon na wanted ito dahil nahaharap din sa katulad na kasong robbery ang suspek at lumabas ang Warrant of Arrest nito nitong buwan ng Marso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments