𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚-𝗔𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗡𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬, 𝗣𝗜𝗡𝗨𝗞𝗣𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗢 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗟𝗢𝗚

Sugatan ang isang 33 anyos na lalaki matapos itong pagpupukpukin ng tubo sa loob ng kanyang bahay sa Binmaley,Pangasinan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago pa mangyari ang insidente, hinamon ng suntukan at pinagbantaan ng biktima ang 28 anyos na lalaking suspek.

Hindi naman umano pinatulan ng suspek ang paghahamon ng biktima nang sandalling iyon.

Pagpatak ng madaling araw habang tulog ang biktima pumasok ang suspek sa bahay nito at pinaghahampas siya ng tubo.

Naaresto ang suspek at narekober ang tubong ginamit nito na nasa 27 pulgada.

Ayon sa pulisya ang biktima ay kasalukuyang nasa Intensive Care Unit ng ospital matapos magtamo ng sugat sa ulo at iba’t-ibang parte ng katawan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments