
Cauayan City – Arestado ang isang lalaking umano’y nanakit ng hayop sa Brgy. Labinab, Cauayan City, kahapon ika-6 ng Enero.
Ayon sa ulat ng Cauayan City Police Station, ang suspek ay kinilalang si alyas “Mundo”, 46-anyos, residente ng nabanggit na barangay.
Ang pagkakaaresto ng suspek ay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte laban sa kanya dahil kasong paglabag sa RA 8485 o ang Animal Welfare Act, matapos ang umano’y pananakit sa isang aso.
Mayroon namang inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng P6,000 ang suspek para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya pa rin ng Cauayan City Police Station ang suspek.
—————————————
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










