𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng lalaking binansagang Regional Target Listed drug personality matapos ang ikinasang drug-buy bust operation sa Cabagan, Isabela.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Drake”, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing lalawigan.

Nasamsam sa suspek ang isang (1) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na isang (1) gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P7,000.


Mahaharap ang si alyas “Drake” sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nadakip ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ng Isabela.

Facebook Comments