Sunday, February 8, 2026

𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡


‎Cauayan City – Isang indibidwal ang nadakip ng kapulisan sa isang buy-bust operation na isinagawa noong Pebrero 4, 2026 bandang 4:20 ng hapon sa Purok 2A, Barangay San Isidro, City of Ilagan, Isabela.

‎Ang operasyon ay pinangunahan ng Drug Enforcement Unit ng Ilagan City Police Station kasama ang PDEA at Regional Intelligence Unit 2.

‎Kinilala ang naaresto na si alyas “Santino,” 46 taong gulang, walang hanapbuhay at residente ng nasabing lugar.

‎Nakumpiska mula sa suspek ang isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 1.25 gramo at tinatayang halagang ₱8,500, pati na ang buy-bust money na binubuo ng isang ₱500 bill at apat na tig-₱1,000 bill.

‎Isinagawa ang marking at inventory ng ebidensya sa lugar ng operasyon sa presensya ng mga kinauukulan.

‎Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

‎Samanatala, muling sinabi ni Police Colonel Manuel Bringas, Acting Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, na patuloy ang pinaigting na operasyon ng PNP laban sa iligal na droga.

‎Hinikayat din nito ang publiko na maging katuwang ng pulisya sa pagsugpo ng kriminalidad upang mapanatili ang kaligtasan ng komunidad.

‎Source: PNP ISABELA
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments