𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗨𝗠𝗔𝗡, 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗦𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔𝗦𝗜𝗦

Sinaksak ng 53 anyos na lalaki ang kaniyang kapitbahay matapos itong tumangging makipag inuman sa bayan ng Villasis.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakaupo sa harap ng bahay nito ang 40 anyos na biktima kasama ang kanyang asawa nang dumating ang suspek at inaya itong makipag inuman. Tumanggi ang biktima at napahiya umano ang suspek.

Makalipas ang ilang minuto, sinaksak ng suspek ang biktima ng dalawang beses. Agad na dinala ang biktima sa ospital na kasalukuyang nagpapagaling. Naaresto naman ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments