Sugatan ang isang 23 anyos na lalaki matapos saksakin ng Isang 22 anyos na lending collector sa Brgy. Disso-or, Bauang, La Union.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang dalawang grupo ay nag-iinuman nang magkainitan ang mga ito.
Nang masaksihan ng biktima ang pangyayari sinubukan nitong umawat ngunit sinaksak ito ng suspek ng dalawang beses sa kaniyang likod.
Naitakbo agad sa pagamutan ang biktima na Kasalukuyang nagpapagaling matapos sumailalim sa operasyon.
Naaresto ang suspek na haharap sa kaukulang kaso.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments