π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—œπ—šπ—”π—‘ π—‘π—š π—Ÿπ—” π—¨π—‘π—œπ—’π—‘, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—œπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—œπ—  𝗑𝗔 𝗦𝗔 π—¦π—§π—”π—§π—˜ 𝗒𝗙 π—–π—”π—Ÿπ—”π— π—œπ—§π—¬

Isinailalim na ang buong lalawigan ng La Union sa state of calamity bunsod pa rin ng nananatiling epekto ng nagdaang bagyo at Habagat.

Batay sa inisyal na datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office nasa 20 LGUs, 26, 615 pamilya o 83,242 indibidwal ang apektado at tatlo ang nasawi bunsod ng Habagat at Bagyong Carina.

Tinatayang nasa 87.5 milyong halaga maman ang pinsala sa agrikultura, 17 milyon sa Imprastraktura at 1.9 milyon sa sektor ng turismo. Naipatupad ang naturang kautusan sa buong bisinidad ng probinsya sa bisa ng Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 1229-2004.

Kasunod nito, inaasahan na mas mapabilis ang pagtugon at aksyon ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang iba’t-ibang sangay ng gobyerno sa mga epektong idinulot ng sakuna.

Magpapatupad naman ng price freeze sa mga bilihin bilang pagtulong sa mga residente na makabangon sa epekto ng nagdaaang sama ng panahon. Matatandaan na isa ang La Union sa naging pinakaapektado sa kasagsagan ng bagyo at nag-iwan ng matinding pagbaha sa ilang mga bayan dito.|π—Άπ—³π—Ίπ—»π—²π˜„π˜€

Facebook Comments