Nanatiling ASF-free o ligtas pa rin sa African Swine Fever ang Laoag City sa Ilocos Norte ayon sa Office of the City Veterinarian ng lungsod.
Ito’y matapos na magsagawa ng isang disease investigation ang awtoridad mula sa mga naireport na pagkamatay ng mga alagang baboy ng ilang hog raisers sa lugar.
Kabuuang labing apat na mga baboy naitalang namatay mula sa anim na naapektuhang hog raisers.
Ayon sa mga hog raisers, ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang alagang baboy ay dahil umano sa sipon habang ang ilan sa mga ito ay dahil sa umano sa lagnat at aborsyon.
Kinuhanan naman ng blood samples ang mga namatay na baboy na sumailalim sa testing ngunit nag negatibo sa ASF. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments