𝗟𝗔𝗢𝗔𝗚 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗙

Inaasahang mababakunahan ang nasa 165,000 na mag-aaral sa Region 1 sa nagpapatuloy na Bakuna Eskwela Program.

Ayon kay CHD 1 Spokesperson, Dr. Rheuel Bobis, mga nasa Grade 1,4, at 7 ang sakop ng kanilang programa.

Sa huling tala ng kagawaran nakapagbigay na ito ng bakuna sa higit 26,000 na mag-aaral.

Ang bakunang kanilang itinuturok ay laban sa measles, rubella, tetanus, diphtheria, and human papillomavirus (HPV) vaccinations.

Dagdag pa ni Dr. Bobis ang pagpawi sa agam-agam ng ibang mga magulang na ang bakunang kanilang itinuturok ay ligtas, epektibo, at libre.

Nagsimula ang Bakuna ng Eskwela noong October 7 at magtatagal hanggang Nobyembre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments