𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗜𝗡𝗦𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗣𝗢𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗦𝗜𝗞𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘

Sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang natamo ng dalawang estudyante matapos sumalpok sa isang poste ang sinasakyang motorsiklo sa poste ng kuryente sa kahabaan ng Brgy. Cablong, Pozorrubio, Pangasinan.

Ang mga biktima ay edad 21 at 18 anyos na pawang hindi nakasuot ng helmet nang mangyari ang insidente. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pauwi na galing sa inuman ang magpinsan nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahilan upang bumangga ang mga ito sa poste.

Tumilapon ang dalawa dahil sa lakas ng pagkakabangga na agad namang naitakbo sa pagamutan. Nagpositibo ang dalawa sa alcohol breath test at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments