CAUAYAN CITY – Bagaman nakararanas ngayon ang Magat Dam ng pagbaba sa lebel ng tubig, tiniyak naman ng National Irrigation Administration – Magat Reservoir Integrated Irrigation System na mapapa tubigan pa rin ang mga sakahang nasasakupan nito.
Ayon sa ahensya, dahil sa madalang na pag-ulan at mainit na panahon dulot ng El niño ay patuloy na bumababa ang tubig sa dam.
Gayunman, tiniyak ng ahensya na maayos nitong matatapos ang Dry Crop 2024 sa Marso 15, 2024.
Ang cut-off na isinasagawa ng NIA-MARIIS ay isang paraan upang ayusin ang irrigation infrastructures nito, habang nag-iimpok ng tubig sa Magat Reservoir para sa Wet Crop 2024.
Facebook Comments