𝗟𝗘𝗕𝗘𝗟 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗥𝗢𝗤𝗨𝗘 𝗗𝗔𝗠, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔

Nakitaan ng bahagyang pagbaba ang antas o lebel ng tubig sa San Roque Dam sa gitna ng nararanasang epekto ng tag-init.

Sa ngayon, nasa 234.57 meters above sea level mula sa 280 masl na normal na antas nito o nasa 45.43 masl ang diperensya.

Samantala, paninigurado naman ni Tom Valdez ang Bise Presidente ng San Roque Power Corporation o SRPC, na normal pa ito at kaya pang mag-supply ng kuryente sa mga nasasakupan nitong suplayan.

Dagdag pa nila na ang dam ay naggegenerate lamang ng walong oras kada araw kaya’t nakakapag-ipon ito ng nasa 0.02 masl araw-araw.

Pagsisiguro naman ng administrasyon ng SRPC na malabong maabot nito ang critical low water level.

Gayunpaman, hinihikayat ni Valdez ang publiko na magtipid ng tubig dahil inaasahang tatagal pa ang epekto ng el niño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments