Nanatiling mababa ang antas o lebel ng tubig sa San Roque Dam kahit pa may bahagyang pagtaas ito sa kabila ng nararanasang pag-uulan sa malaking bahagi ng probinsya.
Ayon sa monitoring ng DOST-PAGASA, bahagyang may pagtaas ng 0. 61 m kaya’t nasa 226.41 meters above sea level na ito na malayo pa rin mula sa 280 masl na normal na lebel ng dam.
Samantala, umaasa naman ang DOST-PAGASA na aabot na sa normal na lebel ang dam, ngayong inaasahan na an madalas na pag-ulan sa lalawigan.
Gayunpaman, patuloy ang panghihikayat ng awtoridad sa publiko na magtipid ng tubig dahil ilang buwan pa bago ang La Niña. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments