Cauayan City – Sumailalim sa Seal of Good Local Governance Regional Asessment ang pamahalaang lungsod ng Cauayan ngayong buwan ng Hunyo.
Layunin ng naturang assessment na tingnan kung tama at epektibo nga ba ang mga serbisyong ibinibigay ng pamahalaang panlungsod sa mamamayan nito.
Binigyan naman ng Passed Rate ng Regional Assessment Team ang lahat ng governance areas at indicators na kanilang sinuri kabilang na ang Financial Administrator and Sustainability, Disaster Preparedness, Social Protection and Sensitivity, Health Compliance and Responsiveness, Sustainable Education, Business Friendliness and Competitiveness, Safety Peace and Order, Environmental Management, Tourism, Heritage Development, at Culture and Arts at Youth Development.
Nagpakita naman ng suporta sa City Government ng Cauayan si Regional Director Agnes A. De Leon matapos ihayag ni Mayor Jaycee Dy ang kanyang kagustuhan na muling makamit ang Seal of Good Local Governance.