
โ
โCauayan City – Idineklara ng Pamahalaang Bayan ng Santo Tomas, Isabela ang Enero 23, 2026 bilang Special Non-Working Day sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at mga paaralan, pampubliko at pribado, upang masiguro ang aktibong pakikilahok ng mamamayan sa pagdiriwang ng Bambanti Festival 2026.
โ
โAyon sa kautusan ni Mayor Leandro Antonio Talaue, layunin ng deklarasyon na palaganapin at pangalagaan ang kulturang Pilipino, alinsunod sa polisiya ng estado na itaguyod ang pamana at tradisyong kultural ng bansa.
โ
โAng Bambanti Festival ay matagal nang simbolo ng kasipagan, pagkamalikhain, pananampalataya, katatagan, at pagbabantay ng mga Isabeleรฑo.
โ
โBinigyang-diin din na ang Isabela, bilang sentro ng agrikultura at kinikilalang โFarm Capital of the Philippines,โ ay ginugunita ang pista bilang pasasalamat sa masaganang ani ng lalawigan. Ang pagdiriwang ay tampok ang ibaโt ibang aktibidad na pangkultura at pangkalakalan.
โ
โHinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Santo Tomas ang lahat ng pamilya na makiisa, makisaksi, at sumuporta sa mga aktibidad ng festival upang higit pang mapalakas ang diwa ng pagkakaisa at maitaguyod ang kultura at identidad ng Isabela.
โ
โSource: LGU Santo Tomas, Isabela
————————————–
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan










