๐—Ÿ๐—š๐—จ-๐—ง๐—จ๐— ๐—”๐—จ๐—œ๐—ก๐—œ ๐—”๐—ง ๐—œ๐—•๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—›๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—”, ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—จ๐—ฅ๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐——๐—˜๐—” ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ

CAUAYAN CITY – Nakatanggap ng Letter of Appreciation and Commendation ang Lokal na Pamahalaan ng Tumauini mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 2.

Ang nasabing papuri ay dahil sa pagpapanatili ng LGU-Tumauini – sa pamumuno ni Mayor Venus Bautista – ang Drug-Free Workplace Policy Program na alinsunod sa DDB Regulation No. 13, series of 2018.

Bukod sa LGU-Tumauini, nakatanggap din ng kaparehong parangal ang Tumauini PS, Tumauini Fire Station, at Advance Mentessori Education Center of Isabela.


Nagpasalamat naman ang PDEA Region 2 dahil sa suportang ipinapakita ng bayan ng Tumauini sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa at polisiya upang makapagbigay ng ligtas at drug-free workplace sa mga empleyado at mamamayan.

Facebook Comments