Hinihikayat ng Department of Health Ilocos Region ang mga local government units na magsagawa ng synchronized clean up drive o sabay-sabay na paglilinis upang agad na masugpo ang lamok na may dalang dengue.
Ayon sa datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit o RESU, mula January 1 hanggang June 8 ngayong taon, nakapagtala na ng 1,047 na kaso ng dengue ang rehiyon.
25. 8% na mas mababa ito kumpara sa nakalipas na taon sa parehas na panahon na mayroong 1, 411 na kaso at tatlo ang naitalang nasawi. Karamihan sa mga kasong naitatala na natatamaan ng dengue ay edad lima hanggang siyam dahil sila madalas ang nasa naglalaro sa labas ng bahay at mayroong exposure mula sa lamok.
Dahil sa mga naitatalang kaso nagpapatuloy ang hakbang ng kagawaran upang masugpo ang dengue gaya ng pagsasagawa ng information and educational campaigns.
Binigyang diin din ng kagawaran na ang pinaka mabisang paraan upang makaiwas sa dengue ay protektahan ang sarili mula sa kagat ng lamok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨