𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗖𝗜𝗩𝗜𝗟 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗘𝗩𝗜𝗘𝗪, 𝗜𝗞𝗔𝗞𝗔𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗡 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗨𝗥𝗖𝗘 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗡𝗗 𝗗𝗘𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Ikakasa ng Human Resource Management and Development Office (HRMDO) Pangasinan ang libreng review para sa mga nagnanais na kumuha ng Civil Service Examination sa darating na August 11, 2024.

Ayon sa HRMDO, naglaan ito ng 100 slots para sa mga interesadong indibidwal na hahatiin sa dalawang batch. Kinakailangan lamang na magparehistro sa pamamagitan ng QR Code na makikita sa kanilang facebook account o di kaya ay bumisita sa kanilang tanggapan upang mabigyan ng slot.

Ang Civil Service Examination ay ang pagsusulit para sa mga nais mag apply ng trabaho sa gobyerno partikular sa regular positions.

Isinasagawa ng dalawang beses kada taon ang pagsusulit na pinangungunahan ng Civil Service Commission o CSC. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments