𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗟𝗜𝗚𝗔𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗢 𝗔𝗧 𝗣𝗨𝗦𝗔, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢

CAUAYAN CITY- Nagpapatuloy ang isinasagawang Free Neutering 2024 Program o Libreng Kapon at Ligate ng mga aso at pusa sa Lungsod ng Santiago.

Ito ay inisyatiba ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Santiago sa pamamagitan ng City Veterinary Office katuwang ang Biyaya Animal Care kung saan nagsimula ito noong ika-23 ng Setyembre at magtatapos ngayong araw.

Hinihikayat naman lahat ng pet owners na magtungo lamang sa Bulwagan ng Mamamayan, City Hall Complex, Brgy. San Andres, Santiago City upang makakakuha ng libreng serbisyo mula sa LGU Santiago.


Samantala, ang programang ito ay bahagi ng Kaisaka sa Paghahayupan na nakasentro sa pagbibigay serbisyo para sa mga alagang hayop ng mga Santiagueño.

Facebook Comments