Cauayan City – Naging matagumpay ang pagsasagawa ng libreng kapon sa mga alagang hayop sa Brgy. District 2, Cauayan City, Isabela.
Ang naturang programa ay naging posible sa pamamagitan ng inisyatiba at pagtutulungan ng JCI Cauayan Bamboo, Local Government Unit ng Lungsod ng Cauayan, Philippine Animal Welfare Society, at Golden Apple Veterinary Clinic.
Bukod sa libreng kapon para sa mga alagang aso at pusa, nagkaroon rin ng libreng bakuna para sa mga ito.
Kusa ng nag-ikot ang mga magsasagawa ng bakuna kasama ng mga barangay officials at Barangay Health Workers sa bawat purok upang mas marami ang mabakunahan.
Ayon sa mga barangay officials, hindi na nila pinadala ang lahat ng mga alagang hayop sa Community Center upang maiwasan na magkagulo ang mga ito lalo na at marami ang nakilahok sa programa.
Gayunpaman, naging matiwasay naman ang pagsasagawa ng programa at marami ring alagang aso at pusa ang nakapon at nabigyan ng bakuna kontra rabies.