Patuloy na isasagawa ng lokal na gobyerno ng Dagupan City ang isa mga programa nito kung saan magbibigay ng kaalaman sa mga bata ng tama at nararapat na good hygiene, health at wellness sa mga bata.
Ito ay sa ilalim ng programang Libreng Paligo Program kung saan inumpisahan na sa ilang barangay tulad sa Sitio Patalan, at Sitio Dupax Brgy. Lasip Grande.
Nasa dalawandaang bata ang nabigyan ng libreng serbisyong paligo at pagtuturo ukol sa tamang pangangalaga sa katawan ng LGU katuwang ang iba pang lokal na ahensya tulad ng City Nutrition Office at ng City Health Office.
Inaasahan na iikutin ang nasa tatlumput isang barangay ng lungsod para maihatid ang libreng serbisyong ito sa lahat ng mga batang residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments