𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗜𝗣𝗜𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡

Pinipilahan ng maraming mamimili ng isda sa Rosales Public Market ang libreng palinis ng isda.

Hindi na mahihirapan sa pagkakaliskis at pagtatanggal ng hasang ang mga bumili ng isda sa bayan dahil sa naturang programa.

Malaking bawas din ito sa kanilang gastos dahil dati ay mayroong bayad ang pagpapalinis ng isda sa designated cleaning station ng palengke.

Layunin ng programa na matulungan ang mga market goers na maihanda agad sa hapag-kainan ang nabiling isda at maging malinis ang pamilihan para sa lahat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments