Makikinabang ang mga residente sa Dagupan City sa paglulunsad ng libreng Theoretical Driving Course sa lungsod.
Nasa dalawang libong mga Dagupeños naman ang inaasahang magiging benepisyaryo ng naturang programa.
Kung nais mapabilang, magparehistro at kinakailangang dalhin ang mga dokumento tulad ng birth certificate, certificate of indigency, valid ID, at marriage contract para sa mga kasal na.
Layon ng naturang programa na matiyak ang kaligtasan sa mga kakalsadahan maging pagsisiguro na ang lahat ay mayroong lisensya sa pagmamaneho saklaw ang pagkakaroon ng tamang kaalaman at disiplina sa road management and safety. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments