𝗟𝗜𝗗𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗕𝗘𝗟𝗗𝗘𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗨𝗣𝗢 𝗡𝗔 𝗧𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗦𝗢𝗟𝗜𝗩𝗘𝗡, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗡𝗔

CAUAYAN CITY – Naaresto na ng mga awtoridad ang squad leader (CADRE) ng Komiteng Probinsya-Isabela, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KOMPRO-ISABELA, KR-CV) o tinatawag ding Fortuna Camus Command sa Sitio Kapanikian, Brgy. Camalog, Pinukpuk, Kalinga kahapon, ika-19 ng Marso taong kasalukuyan.

Kinilala ang suspek bilang si alyas “Miko”, 56-anyos, walang asawa, at tubong Benito Soliven, Isabela.

Matagumpay na nahuli ang nasabing suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kaso nitong Murder na inisyu noong Disyembre 10, 2015 na walang nirekomendang piyansa at sunod naman ang Multiple Attempted Murder na ipinalabas naman noong May 6, 2016 na may P120,000 na recommended bail.


Sa ulat, napag-alaman na noong Disyembre 4, 2023 ay sumuko ito sa 103IB, Kalinga at maging ang ilang gamit pandigma na kinabibilangan ng isang (1) yunit ng M16 rifle, 100 rounds na bala para sa nasabing rifle, at anim (6) na rounds ng bala para sa Caliber 38 pistol ay isinuko rin nito.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Quezon Police Station ang naturang suspek para sa dokumentasyon at nararapat na disposisyon.

Facebook Comments