Aminado ang liga ng mga opisyal ng barangay sa Dagupan City kaugnay sa implementasyon ng No Segregation, No Collection Policy sa loob ng mga barangay.
Dagdag pa ni Councilor Fernandez, pagkatapos umano ng naganap na pagpupulong, tatlong araw ay agad na inimplementa na ang naturang polisiya at hindi na tinatanggap sa dumpsite ang mga basurang hindi naka-segregate.
Kailangan umanong mahigpit nang maimplementa sa mga barangay ang naturang polisiya dahil maging sila ay nagulat rin sa tambak ng mga basura sa mga eskinita at kalsada sa mga barangay dahil sa hindi na ito tinatanggap para hakutin dahil hindi naka-segregate ng maayos.
Seryoso umano ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad nito kung kaya’t pakiusap nila sa mga residente sa bawat barangay na makipagtulungan at isagawa ang segregation sa loob ng kanilang mga tahanan.
Samantala, ilan sa tinututukan ngayon na mga lugar na dapat sumusunod sa polisiya ay ang bahagi ng mga palengke at business establishments tulad sa Downtown ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨