Nasa limamput anim (56) na police assistance desks ang inilunsad ng Pangasinan Police Provincial Office sa mga paaralan sa probinsiya bilang pagpapaigting sa seguridad ng mga mag-aaral ngayong pagbubukas ng klase.
Ayon kay Pangasinan Police Provincial Office Information Officer Capt. Renan dela Cruz, nagtalaga ang tanggapan ng 126 personnel sa mga naturang assistance desk bilang bahagi ng kanilang programang Oplan Balik Eskwela.
Nagsasagawa rin ng mobile at foot patrol sa loob at labas ng paaralan ang kapulisan upang mapanatili ang peace and order at maiwasan ang mga insidente sa mga mag-aaral.
Prayoridad umano ng pulisya ang seguridad ng mga mag-aaral maging ang iba pang miyembro ng komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments