Inaasahan ang mga pagpapatupad ng mga development projects ng Pamahalaang Panlalawigan upang mas mapalakas pa ang turismo ng Pangasinan.
Nasampulan ng Social Security System (SSS) Urdaneta branch ang limampu’t – dalawang delingkwenteng employer sa ikinasang Run After Contribution Evaders dahil sa hindi umano paghuhulog ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.
Isinagawa ito sa ika-lima at ika-anim na distrito ng Pangasinan kung saan binigyan ng notice ang mga employers dahil sa hindi pagpaparehistro at pagbibigay ng tamang kontribusyon sa SSS ng nasa dalawang daang nilang empleyado.
Nasa higit dalawang milyong piso ang hindi nabayaran na kontribusyon ng mga delikwenteng employer.
Ang naturang paglabag ay maaaring humantong sa anim hanggang labing dalawang taon na pagkakakulong.
Sa ngayon, tuloy ang pag-iikot ng SSS Urdaneta Branch sa mga establisyemento sa mga distritong nabanggit upang ipaalam sa mga empleyado ang kanilang karapatan at dumami pa mga magiging miyembro. |𝒊𝒇𝒎𝒏𝒆𝒘𝒔