𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗔𝗟, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗖𝗔𝗟𝗨𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗚𝗨𝗢

Sa pagpapatuloy ng mainit na usapin sa senado ukol sa POGO lumutang ang di umanoy limang negosyo na nakapangalan kay Sual Mayor Dong Calugay at Dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon sa inilabas na dokumento ni Senator Risa Hontiveros sa pagdinig sa senado, inihayag nito na tila pinagsamang pangalan ng dalawa ang pangalan ng mga negosyo na pawang matatagpuan sa Baquioen, Sual.

Ang mga negosyo na tinutukoy ng senador ay ang AC Aquafarm, Dee Aqua Farm, Licsel Fish Farm, DongGuo Fish Farm, and Guco Aquafarm.

Samantala, nauna nang iginiit ni Calugay at Guo na sila ay magkaibigan lamang, at walang anomang ugnayan sa kahit anong negosyo.

Lumitaw din sa pagdinig ang piggery farm ni Guo na matatagpuan sa Malabobo, Mangatarem na hindi niya alam kung operational pa.

Samantala, iginiit ni Senator Hontiveros na wala itong pakialam sa kanilang romantic relationship bagkus ito ay interesado sa kanilang criminal relationship. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments