Patuloy na isinasagawa ang lingguhang paglilinis at pagbibigay halaga sa kalikasan sa bayan ng Infanta para sa layon na makapagbigay ng awareness ukol sa pagbibigay importansya ng kalinisan sa kanilang nasasakupan.
Nito lamang ay muling nagsagawa ng isang clean up drive ng tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office sa isa pang barangay kasama ang mga indibidwal na boluntaryo at gustong maging bahagi ng paglilinis.
Nais ng lokal na pamahalaa ng Infanta na magkaroon ng sama-samang pagbabago sa kanilang mga barangay nang sa gayon ay mapagtagumpayan nila ang mas malinis na kapaligiran at naalagaang kalikasan.
Samantala, ang naturang clean up drive naman na isinagawa ay mula sa compliance ng MEMORANDUM CIRCULAR NO.001-2024 kung saan may layon na magbigay ng awareness sa publiko at makibahagi sa pagiging responsable sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng proper waste management. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨