Wednesday, February 25, 2026

𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗢𝗗 𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗕𝗜𝗚 𝗢𝗡 𝗪𝗛𝗘𝗘𝗟𝗦, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗦𝗢

Cauayan City – Maglulunsad ng mobile service caravan ang Pag-IBIG Fund sa lalawigan ng Isabela sa pamamagitan ng programang Lingkod Pag-IBIG on Wheels sa darating na buwan ng Marso 2026.

Ang layunin ng aktibidad na mailapit sa mga miyembro at employer ang iba’t ibang serbisyo ng ahensiya, lalo na sa mga lugar na malayo sa kanilang tanggapan.

Bibisita ang Pag-IBIG Fund sa mga lugar kabilang na ang BPLO Office, Municipal Compound, Magsaysay, Naguilian, Isabela sa darating na March 2-4, 2026.

Bukod pa rito, bibisita rin ang ahensya sa
Municipal Compound, District II, Benito Soliven, Isabela sa March 5-6, 2026.

Isasagawa naman ang naturang aktibidad sa Municipal Compound, Gomez, San Isidro, Isabela sa March 9-11, 2026.

Samantala, maghahatid rin ng serbisyo ang ahensya sa Municipal Gymnasium, Dinapigue, Isabela sa darating na March 12-13, 2026.

Ang naturang ahensya ay maghahatid rin ng iba’t ibang serbisyo tulad ng Member and Employer Registration, Updating of member/employer’s record, Know your membership savings or records with Pag-IBIG Fund, Submission of Short-term loan (STL) application, Benefits Claim application or Housing Loan application,

Modified Pag-IBIG II (MP2) Enrollment, Inquiries (Membership, Short-term loan (STL), Claims, Housing loan, Expanded 4PH program), Application and issuance of the Pag-IBIG Loyalty Card Plus, at Promoting new programs of the Fund.

Ayon sa pamunuan, inaasahang mas mapapadali at mapapabilis ang transaksyon ng mga miyembro sa pamamagitan ng Lingkod Pag-IBIG on wheels, Lalo na sa mga nasa malalayong komunidad.

Para sa iba pang detalye o katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan na may numerong 0917-122-8530.

📸: PAG-IBIG FUND

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments