
βCauayan City – Magkakaloob ng tulong ang Office of the City Agriculturist Santiago City sa mga magsasaka ng palay sa pamamagitan ng pamamahagi ng liquid fertilizer bilang bahagi ng Fertilizer Assistance for Rice Farmers sa ilalim ng FLR Program para sa Dry Season 2025β2026.
β
βIsasagawa ang distribusyon mula Pebrero 24 hanggang Pebrero 27, 2026, batay sa nakatakdang iskedyul sa bawat barangay.
β
βNilinaw ng tanggapan na makikinabang lamang ang mga magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), naka-encode sa Farmers and Fisherfolk Registry System (FFRS), at mga tumanggap ng high-quality seed support mula sa Department of Agriculture at PhilRice.
β
βPinayuhan naman ang mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs), at may comorbidity na maaaring magpadala ng isang kinatawan upang kumuha ng kanilang alokasyon. Kinakailangan ang authorization letter at photocopy ng ID ng benepisyaryo at ng kinatawan upang matiyak ang maayos na proseso.
β
βSamantala, pinaalalahanan ang mga magsasaka na sumunod sa itinakdang iskedyul at magdala ng valid ID at iba pang kinakailangang gamit. Hinihikayat din silang magdala ng katuwang sa pagbubuhat ng abono at ipaalam ang anunsyo sa iba pang kapwa magsasaka upang maging maayos at mabilis ang pamamahagi.
β
βSource: ATTY. SHEENA TAN/FB
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan
β










