𝗟𝗜𝗤𝗨𝗢𝗥 𝗕𝗔𝗡 𝗧𝗨𝗪𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗖𝗡𝗢𝗧𝗔𝗡

Muling iginiit ng lokal na pamahalaan ng Bacnotan, La Union ang umiiral na Liquor Ban at pagbebenta ng alak sa bayan tuwing may bagyo.

Ito ay matapos makapagtala ng ilang insidente sa bayan sa nakalipas na pananalasa ng Bagyong Kristine.

Nakasaad sa Ordinance No. 768 series of 2023, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbili o pagtitinda ng alak mula sa alas onse ng gabi hanggang alas syete ng umaga.

Maaring mapatawan ng multa ang mahuling lalabag na aabot mula P1, 000 hanggang P2, 500 at pagkakakulong na hindi hihigit sa anim na buwan.

Abiso ng awtoridad, mainam na unahin ang kaligtasan ng pamilya at kagamitan tuwing may kalamidad at seryosohin ang pagpapatupad ng naturang ordinansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments