𝗟𝗢𝗖𝗔𝗟 𝗔𝗥𝗧𝗜𝗦𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗚𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗜𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗘𝗦𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚

Nagpakita ng kanya kaniyang husay sa pagpinta ang 120 na local artists mula sa iba’t-ibang lugar sa Pangasinan sa isinagawang painting contest sa bayan ng Bayambang.

Sa unang araw ng patimpalak, 79 participants ang nagpakita ng kanilang talento sa tema ng kumpetisyon na “Bountiful Harvest, Happy Family, & Healthcare Services.”

Wagi Sina Mark Dela Cruz Santos ng San Carlos City, Gel Austin Pascua ng Bayambang, at Nicole Joi Gasmen ng Urdaneta City. Kapwa sila naguwi ng tig P15,000.

Sa pangalawang araw, nasa 41 artist naman ang nagtagisan ng galing sa pagpinta na ang tema ay “Bulaklak”.

Si Beany Gilbert Friaz ng Bayambang ang grand winner na tumanggap ng P15,000. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments