Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan na lahat ng Barangay na nakapalibot o dinadaan ng Angalacan River sa nasabing bayan ay malaki ang tiyansa ng pagbaha kapag tuloy-tuloy ang pag-ulan.
Sa naging panayam ng iFM dagupan kay Mangaldan Local Disaster Risk Reduction Management Officer Rodolfo Corla, sinabi nito na dahil dito ay plano ng pamahalaan na ituloy ang flood control projects ng lokal na pamahalaan.
Nagpatawag na rin, aniya, ng pulong ang alkalde ng bayan sa mga Barangay Officials ng mga concerned barangay kaugnay rito upang maabisuhan ang mga ito.
Nakatakda rin ilunsad, aniya, ang Project Bantay Barangay kaugnay dito.
Sapat naman, aniya, ang kagamitan ng mga rescuers maging ng kasanayan ng mga ito sakaling muling Makaranas ng pagbaha ang ilang barangay sa bayan lalo na binabantayan ang posibleng epekto ng La Niña ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨